I realized mahirap to live alone sa bahay kapag may sakit ka.
So 2-3 years na rin akong nakatira sa bahay magisa since mga kapatid ko may mga asawa na. Ako, 26 years old na. Wala na akong mother, father ko naman nasa probinsya nagaalaga ng lolo ko. Occasionally, umuuwi uwi naman mga kapatid ko sa bahay pag trip nila or gusto ng mga pamangkin ko dito.
These past 2-3 days, grabe ang lala ng trangkaso ko. Minsan lang ako magkasakit, kaya if magkasakit naman ako malala at takot ako kasi di ko alam mga pakiramdam ng may sakit talaga katulad nyan trangkaso. Feeling ko mamamatay na ko seryoso hahaha. May mga times na nagkakasakit ako na kaya ko naman lalo if sipon plus lagnat ganyan pero yung trangkaso grabe ang lala andaming body pain na kasama sobrang nginig talaga.
Sobrang thankful lang ako sa jowa ko pati sa mga kapatid ko na one call away lang sila pag need ko sila sa bahay or kailangan ko ng katulong lalo pag may sakit ako. Ayun pinagluto ako ng mga kapatid ko ng pagkain, yung jowa ko naman nakatoka sa gamot ko tapos pinunasan niya katawan ko buti nalang naka wfh siya kaya andito muna siya sa bahay nagwowork din.