Victorias Foods Luncheon Meat: Super duper must try!
My partner just got back from Victorias City (Negros Occidental) and nagpasalubong ulit siya nang favorite kong luncheon meat! This is manufactured sa lugar nila mismo and ineexport sa ibang bansa. Too bad lang kasi 'di siya namamarket sa Philippines.
Why I love it:
• Legit na purong beef. Kitang kita mo ang hibla ng baka sa kada slice
• Not salty.
• Different texture compared sa Argentina or Spam. Super crispy ng outside niya pag naprito nang medyo toasted.
• 85 pesos only
I first tried it in April 2024. Since then, I fell in love with it. May times na nagpapa-LBC pa kami sa mom niya since nandito kami sa Manila.
Sana makilala pa 'to sa atin. Taob ang Spam dito IMO.