Instant coffee timpla recommendations
Hi! I am a regular coffee drinker, pero sa bahay lang. Typical Nescafe original (3/4 tsp) + Creamer (2 tsp) + Sugar (1 and 1/2 tsp). Iniinom ko to paggising ko after brunch (pampadumi na lang haha) and during shift ng 12 am (eto talaga pampagising), so bale 2 cups a day.
Ngayon, medyo na conscious na ako kasi araw-araw na pala akong nagttake ng sugar. Sweet tooth pa ako so madalas mahilig sa desserts haha! Pinag iisipan ko kung babawasan ko ba pag inom ko ng kape like 1x a day na lang or babaan ko na lang yung sugar (or much better alisin). Kaya lang nagtry ako tas di talaga ko sanay na walang sugar hahahaha or baka di lang masarap nescafe sakin pag with creamer lang?
Any recos po kung ano mga instant coffee na timpla yung goods na less sugar? Sinubukan ko yung nescafe + almond milk na nakita ko sa grocery kaso di ko pa rin natripan hahaha! Btw instant coffee lang kaya for now kasi wala pang budget for brewing kits/equipments and authentic beans hehe